Ayon kay Francisco Colayco, isang manunulat, negosyante at financial advisor sa isang pakikipanayam kasama si Mel Tiangco, mayroon raw na 5 paraan para yumaman ang isang tao.
Alam ko marami ang interesadong malaman anu-ano ang mga paraang ito. Isa-isahin natin.
Una: MANAHIN MO..
Kung isa ka nga naman sa mapalad na nagkaroon ng mayamang magulang eh di swerte mo.. Paampon ka na kaya kay Vilma Santos at Edu Manzano, ikaw kasi ay matatawag na "LUCKY".. (Note: Sa hindi pinalad, wag na magreklamo at maghangad na sana mayaman nalang mga magulang mo.. may 4 na paraan pa..)
Pangalawa: PAKASALAN MO..
Ayun oh.. pwede!!!! Maghanap ka ng 4M (matandang, mayamang, madaling mamatay). Pero kung mayroon namang batang mayaman na gwapo pa, why not di bah? Ano, choosy ka pa? (Note: Pero mga teh, A marriage without love is doomed to failure. And love for money should never be a reason for marriage. I DISCOURAGE you to take this course.) Let's try the next one then.
Pangatlo: PANALUNAN MO..
Sa pamamaraang ito ay tiyak na mapapasigaw ka nang "MAY HIMALA". One in a million ang mga ganitong kwento. Pero umasa pa rin tayo, malay natin, tayo pala ang "one" na iyon di ba? Hindi naman masama ang paraang ito, di naman kasi lahat ng pagkapanalo ng limpak-limpak na salapi ay masama. Tulad sa singing contest o mga talent search competition, who wants to be a millionaire, you've got a minute to win it, deal or no deal, pera o bayong, pa raffle sa barangay at iba pa. Basta ba di sugal o kaya naman ay labag sa batas, eh why not? Kung halimbawa nga naman na ikaw ung "one in a million" na un, siguraduhin mong gamitin mo sa maayos at galingan ang paghawak ng swerte mo.. Kasi kadalasan, ang perang nakamit sa madali at walang kahirap-hirap na paraan ay nawawala rin sa ganoong paraan..(Note: Do some math.. Baka naman mas malaki pa ang nagastos mo para manalo kaysa sa napanalunan mo. Also, wag magbuwis ng buhay para lang sa pagkakataong manalo, hindi rin ikaw ang makikinabang rito.) Malabo rin to.. Next please..
Pang-apat: NAKAWIN MO..
Eto na... Sa paraang ito, ikaw ay pwedeng magdecide kung gaano karami ang kayamanang gusto mo. Sky is the limit. Kung gusto mong mapabilang sa listahan ng "Philippines Richest People 2013, aba eh kumayod na. (Note: Walang STARBUCKS o MOA sa loob ng kulungan. Aanhin mo pa ang kayamanan kung wala ka namang kalayaang gastahin ito. Dudungisan mo lang ang pangalan mo at ng pamilya mo. It's not worth it.) Eh ang pang-lima kaya? Continue reading....
Pang-lima: PAGSIKAPAN MO..
Effort? Uu mga teh, EFFORT... Aanhin pa ang airplane kung wala namang effort? este airport.. Anong connect nyan sa usapan? Actually wala.. So let's continue.. Among the 5 ways, this may be the hardest and may also take the most time to get to your goal. But it is worth it. Mas magagawa mong pahalagahan ang tagumpay na iyong nakamit kasi ito ay pinaghirapan. Walang impossible. Magtiwala sa sarili at tiyak malayo ang mararating mo. Sa tuwing nahihirapan ka, isipin mo nalang na ang pag-akyat sa tuktok ng tagumpay ay sadyang mahirap. (Note: This is HIGHLY RECOMMENDED... )
The choice is yours!!! Choose wisely!!!

No comments:
Post a Comment